Ang mga benepisyo sa pag inom ng tubig.
ANG MGA BENEPISYO SA PAG INOM NG TUBIG NGAYONG NALALAPIT NA NAMAN ANG TAG-INIT AY MAHALAGANG PANAY TAYONG UMIINOM NITO. NGUNIT ANG IBANG TAO AY MAS GUSTONG MAY LASA ITO. ITO ANG ILANG BENEPISYO KUNG BAKIT TAYO KAILANGAN UMINOM NG TUBIG SA TAMANG ORAS. 1. Nakakawala ito ng pagod at nakakapag bigay ng lakas. Tumatalas din ang isip ng isang tao kapag umiinom ito ng tubig at nakakatulong ito upang tayo'y makapag-isip ng maayos. 2. Sa pamamagitan ng pag-ihi at pawis ay nailalabas nito ang ating toxin sa katawan para maiwasan ang mga sakit. 3. Ito din ay nakakatulong upang mabawasan ang ating timbang. Inaalis nito ang taba sa ating katawan at pinapababa nito ang gana sa pagkain. 4. Sa pag inom ng tubig ay pinapaganda nito ang ating balat malambot at makinis. 5. Nakakatulong din ito upang maging regular ang dumi. 6. Ito din ay nakakapagpalakas ng resistensya ng katawan, para maiwasan ang mga iba't ibang sakit.